PIA Press Release
2008/04/02
Tagalog News: GenSan handa na sa gaganaping 9th National Coop Summit sa Oktubre
General Santos City (2 April) -- Inihayag ni Coralyn G. Espinosa City Economic Management and Cooperative Development Office (CEMCDO) na handang-handa na ang lalawigan ng General Santos para sa 9th National Cooperative Summit sa darating na Oktubre 22-26 ng taong ito.
Kinumpirma din ni Espinosa ang pagdating ni dating Agriculture Secretary, Lead Convenor at Chairman ng Philippine Cooperative Center (PCC) Senen Bacani at CDA Chairperson Lerica V. Juarez sa lalawigan upang pangunahan ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) at ceremonial launching ng 9th National Coop Summit ngayong araw.
Inaasahan din ang pagdalo nina GenSan City Mayor Pedro B. Acharon, Jr., Sarangani Governor Migs Dominguez, South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes at Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu sa nasabing aktibidad upang magbigay ng Message of Solidarity and Support ng Local Government Units ng SOCSKSARGEN.
Humigit kumulang sa limang libong cooperative leaders sa buong bansa ang inaasahang dadalo sa nasabing summit, isang nationwide activity na nagsisilbing forum sa lahat ng concern cooperatives kung saan layunin nito na mapag-isa ang resources para sa pagsulong ng self-reliance, harnessing people towards the attainment of economic development, social justice at global competitiveness. (Abbenal/PIA 12) [top]
No comments:
Post a Comment